Kapot

Pag tinamaan ka nga naman ng topak. PAK talaga! Kahapon isang napaka-Boring na araw para saken at para sa aking katrabaho. Panu di kame nag uusap. Ewan ko ba, siguro sa sobrang inis ko sa aming boss pati sya nadamay sa tindi ng topak ko. Di ko lang trip makipag usap ng bongga kahapon.

Kawindang lang talaga ang boss namen. HAHA! uber magparamdam na may peyborit sya samen. KALOKA lang talaga. Hindi naman ako naghahangad ng malaking sweldo. Kasi kaya ko lang naman pinasok ang trabaho ko para lang may experience na ko. At oo! nadama ko talaga ang hirap ng buhay simula nung nag work ako. Mahirap pala ang magtrabaho lalo na pag alam mong indi sapat ang sweldo na matatanggap mo. BTW, ayun na nga. Yung epal kasi naming boss me peborit! haha!

Sya yung isa sa katrabaho ko, actually bestfriend ko sya. 😦 Hindi naman ako naiinggit sa kanya or what. Pero minsan talaga para na rin syang nagiging boss samen. Di ko alam kung napapansin nya ba yun o hindi. Pero ang daming nakakapansin na minsan may asta talaga sya na hindi maganda. Inaasahan ko pa naman na magiging matured na ang super isip bata kong bestfriend. Kaso wala pa rin pala.

Di ko na rin maintindihan tong sinusulat ko. Pero marami akong gustong sabihin sa mga oras na to. PAKYU KA SIR! haha Ang sama ko na talaga. Pero kung alam nyo lang talaga. Hays! Sige alis na nga ako. </3

~jenista

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Green Department

Minsan may mga pagkakataon na nabibigyan natin ng ibang kahulugan ang mga bagay bagay. Aminin man natin o hindi pero ang pinoy talaga ay maraming kalokohan.

Halimbawa ko na lang ang kalokohan namin ng friend kong si Kuya Bryan. Nagkachat kasi kame sa facebook kanina. Oo nagulat talaga ako, kasi kung anu-ano ang aming napag-usapan na sexreto lang naming dalawa. Nabigyan ko tuloy ng kahulugan ang mga sinasabi nya saken. *umandar na naman kasi ang pagiging member ko ng Green Department. Oo tama! Yan ang naging tawag sakin ng isa kong friend kasi sa tuwing may sasabihin silang bagay, naiisipan ko agad ng kung anumang kalokohan o kabastusan. Ewan ko ba? Ang taba ata ng utak ko kaya kung anu-ano agad pumapasok sa isip ko kahit simpleng banat lang.

Sagad sagad ata ang kalokohan na naikukwento sa nanay ko nung ipinagbubuntis nya ko. Kaya eto hanggang sa paglaki ko nadala ko. BTW, balik na nga tayo sa usapan namen ni Kuya bry. Haha! Sayang di ko na Prntscrn eh.

Tinanong kasi ni Kuya bry kung ano ginagawa ko. Nataon naman na wala kaming ginagawa dalawa. Sabay bumanat sya na “gawa tayo”. Ako naman dahil sa maloko at mahilig sumakay sa mga trip ng mga kaibigan ko bumanat ng “tara tara!”. Hanggang kung san san na nakarating usapan namin. Tas yun naman pala sinasabi nyang gawin namin eh mag blog dito sa wordpress. Nung una parang tinatamad ako kasi feeling ko kuntento na ko na nakakapag post ako paminsan minsan ng blog sa tumblr account ko. Pero dahil ang galing ng convincing power ni Kuya bry eto at nakapag-sulat na ko ng 1st blog ko sa wordpress.

Yey! Tutulog na nga ako. Kung makapag puyat naman ako, akala mo walang trabaho. Haha! Goodmorning peeps!

~jenista

Posted in Uncategorized | 1 Comment